β‚±34-? ?????? ?? ?????, ??????? ?? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Army ang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng β‚±35-milyong piso sa operasyon sa Brgy. Pang, Kalingalan Caluang, Sulu nitong Martes.

Sa ulat na nakarating kay PNP Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, narekober ang droga sa arestadong suspek na kinilalang si Morasad Nasang Jaiyari.

Nakatakas naman ang kasabwat ng suspek na si alyas Albasir.

Ayon kay Lt. Gen. Sermonia, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng malapitang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies sa rehiyon kontra sa ilegal na droga.

Hinimok naman ni Sermonia ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa PNP na sugpuin ang ilegal na droga sa pamamagitan ng BIDA o β€œBuhay Ingatan, Droga Ayawan” programa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us