Pinangunahan ni Tingog Party-list Representative Yedda Marie Romualdez ang all-women session ng Kamara, ngayong araw. Ito ay bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Womenβs Month.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Romualdez, na isang karangalan na pangunahan ang sesyon kasama ang mga lady legislator na walang pagod na nagtatrabaho para maghatid ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
Kinilala din nito ang paglaban ng mga kababaihan, upang maisulong ang karapatan hindi lamang sa paboto ngunit maging sa pamumuno ng mga bansa at impluwensya sa ekonomiya.
Mas kinikilala na rin aniya ngayon ng lipunan ang kahalagahan ng gender balance and diversity, kung saan mas umuunlad ang komunidad na mayroong pantay na karapatan at paggalang sa mga kababaihan.
βToday, in line with our celebration of all womanhood this National Womenβs Month, I welcome you all in this yearβs all-women Session here in Congress. May this simple gesture of handing over power to the women be the platform for positive change as we continue to lead our nation to a kinder and gentler world for the next generation of women,β ani Rep. Romualdez.
Salig sa Section 15 (H), Rule IV ng House rules, pinahintulutan ang pagtatalaga kina Romualdez, at Representatives Linabelle Ruth R. Villarica, Florida βRidaβ Robes, Rosanna βRiaβ Vergara, Lorna Silverio, Anna York Bondoc, Ma. Lucille Nava, M.D., Ruth Mariano-Hernandez, Midy Cua, Ysabel Maria Zamora, at Margarita βAtty. Migsβ Nograles bilang presiding officers ng sesyon.
Sa 314 na mambabatas ng 19th Congress, 86 ang lady legislators. | ulat ni Kathleen Forbes