??? ??????? ?? ????? ?? ??????????, ?????? ?? ?????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month, isinagawa ang isang art exhibit sa Quezon City.

Tampok sa exhibit ang mga obra at paintings na gawa mismo ng kababaihan.

Kabilang sa exhibit ang iba’t ibang mga obra na nagpapakita ng women empowerment.

Ayon sa exhibitor at organizer, suportado nila ang mga ganitong programa na siyang nagpapakita ng kahalagahan ng kababaihan at para maipakita rin ang talento ng mga ito sa sining.

Iba’t ibang mga uri ng sining ang tampok sa exhibit na nagpapakitang anuman ang mga trabaho ay kaya ring gawin ng kababaihan.

Dinaluhan ang selebrasyon ng mga kababaihan na mula sa iba’t ibang larangan at propesyon.

Kabilang sa dumalo ay ang abogadong si Atty. Lorna Kapunan, ayon kay Kapunan, mahalaga ang mga ganitong selebrasyon lalo na kung tatalakay sa kahalagahan ng kababaihan sa ating bansa. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us