Ramdam na ang kabawasan sa problemang dulot ng pandemya.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng pagkilala sa importansiyang naibigay ng siyensiya para mabawasan ang problemang kinakaharap tungkol sa COVID-19.
Ayon sa Punong Ehekutibo, science ang dahilan kung bakit nakatawid ang bansa sa pandemya at sa pamamagitan nito’y nalikha ang bakuna na nagsilbing pangontra sa virus.
Binigyang-diin ng Pangulo na siyensiya ang patuloy na makapagbibigay ng kasagutan sa anomang maaari pang dumating lalo’t science and technology na ang tinatahak ng mundo sa kasalukuyan.
Nagagalak aniya siya sabi ng Pangulo at nakakadalo na siya sa mga pagtitipon gaya ng mga aktibidad na kanyang pinupuntahan sa mga nagdaan at pangungunahan pa. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President