Nagdeklara na ng state of calamity ang bayan ng Maragusan sa Davao de Oro dahil sa laki ng pinsalang dulot ng sunod-sunod na lindol na tumama sa probinsya noong Lunes at Martes.
Ayon kay Maragusan Mayor Angelito Cabalquinto, dalawang barangay ang labis na naapektuhan ng 5.9 at 5.6 magnitude na lindol noong Martes, partikular ang barangay Paloc na 85% ang pinsala, at barangay Tandik na nakapagtala ng 35% na pinsala.
Ayon kay Cabalquinto, maliban sa maraming bahay ang nasira, nagkaroon rin ng maraming landslide sa lugar at malalaking bitak sa lupa pati na sa mga sakahan, kaya namamalagi pa ang karamihan ng mga residente sa evacuation center.
Marami rin sa mga residente ang hindi na papayagang makabalik sa kanilang mga bahay dahil sa banta ng panganib, kaya naman naghahanap ngayon ng lugar ang Maragusan LGU na malilipatan ng mga apektadong residente.
Prayoridad ngayon ng LGU na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng evacuees sa mga evacuation center tulad ng pagkain at tubig.
Ayon sa alkalde, sa ngayon, aabot sa 1,041 ang bilang ng mga pamilyang apektado sa Brgy. Paloc at Brgy. Tandil, bagamaโt patuloy ang ginagawang assessment ng Rapid Damage Assessment And Need Analysis (RDANA) teams sa lugar na patuloy pang nakararanas ng aftershocks. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao