Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang malaking papel na ginagampanan ng mga guro sa tuwing sumasapit ang panahon ng halalan.
Inihayag ito ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang talumpati sa 2023 National Election Summit sa Lungsod ng Pasay, ngayong araw.
Kaniyang sinabi na hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga guro na nagsisilbing Board of Election Inspectors o BEIs bago, habang at kahit matapos ang halalan.
Pabiro pang inihirit ni VP Sara sa Commission on Elections (COMELEC), na kung maaari ay unahin nang maibigay ang honoraria para sa mga guro bago pa man ang eleksyon. | ulat ni Jaymark Dagala