?????? ?? ??? ???????? ?? ????????? ????? ?? ??? ?????, ?????? ?? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong Martes na nadagdagan pa ng 14 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ang kalusugan dahil sa oil spill.

Ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, nasa 191 na ngayon ang kasalukuyang bilang ng mga apektado sa kalusugan dahil sa oil spill mula sa dating 176 na unang naitala.

Base sa monitoring ng ahensya, mula noong Marso 2 hanggang Marso 20 ang pagitan ng mga araw kung kailan iniulat ang naturang pagkakatala.

Daing ng mga nasabing indibidwal ang mga karamdamang may kaugnayan sa respiratory system, sakit sa tiyan at pangangati ng balat.

Matatandaang iniulat ng DOH na may 101 na ang nakarekober habang ang mga natitirang bilang ng mga apektadong indibidwal ay patuloy na minomonitor ng kagawaran. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us