Inilunsad na ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang mobile application na maaaring maging panuntunan ng mga magsasaka upang mapaganda ang kanilang kita.
Tinawag ito ng DA bilang Binhing Palay App, kung saan maaaring i-download sa mga mobile phone.
Sa application na ito, makikita ang mga tamang panuntunan sa pagtatanim ng palay mula sa iba’t ibang uri ng hybrid.
Kasama din dito ang tamang paglalagay ng mga pataba, abono, insecticide hanggang sa pag-harvest.
Makakatulong din daw ito para makatipid sa gastusin dahil mayroong mga gabay kung papaano mapapababa ang production cost.
Sabi ng DA, hindi lang makinarya at mga teknolohiya ang umuunlad sa paglipas ng panahon dahil may mga Information and Communication Technologist na din na nagbibigay ng pantay na oportunidad para mapahusay at mapalakas ang modernong pagpapalayan. | ulat ni Michael Rogas