Sisimulan na sa susunod na linggo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-inspeksiyon sa mga terminal ng bus, bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng pasahero para sa Holy Week.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, na titiyakin ng pamahalaan na mayroong angkop at sapat na pasilidad ang mga terminal, halibawa sa Araneta Center at PITX, upang maging komportable ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa probinsya.
Bukod dito, ang LTFRB aniya, pinu-proseso na ang 712 units ng bus na nag-apply para sa special permit.
Ang mga permit na ito aniya ay magiging epektibo simula ika- 31 ng Marso hanggang ika-17 ng Abril.
Pinayuhan naman ng opisyal ang mga pasahero na agahan ang pagpapareserba ng ticket, upang maiwasan ang aberya sa pagbiyahe. | ulat ni Racquel Bayan