????, ????????? ?? ??????? ??????? ?? ??? ????????? ?? ???????? ?? ???????? ??? ??????? ???? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinaalalahanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko at ang lahat ng kanilang stakeholders na hindi nanghihingi ng solicit o pera ang kanilang mga opisyal at personnel mula sa sinumang pribadong indibiwal o entity.

Ginawa ng CAAP ang paalala matapos silang makatanggap ng mga report na may ilang mga indibidwal ang nagso-solicit gamit ang pangalan ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo at nagbibigay ng pekeng bank information para makalikom ng pera.

Paglilinaw ng CAAP, hindi nila kinukunsinte ang ganitong mga gawain at hinihikayat nila ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan sakaling makatanggap ng mga kahalintulad na aktibidad upang masampahan ng kaukulang reklamo.

Pinaalalahanan ng CAAP ang publiko na maging mapagmatyag at lahat ng mga komunikasyon na magmumula sa kanilang tanggapan at mga tauhan ay nagmumula lamang sa kanilang official channels. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us