????????? ????????, ????? ???? ??????? ??? ??? ??????? ??????? ?????????? ??? ?????????? ?? ???????????? ?? ?????? ???????? ??? — ???. ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang pagkakalathala ng implementing rules and regulations (IRR) ng inamyendahang Public Services Act (Republic Act 11659).

Sinabi ni Poe, na bagamat limang buwan na delayed ang paglalabas ng IRR ay inaasahan pa ring mapapalakas nito ang mga critical investment na inaasahang magpapadami naman ng mga trabaho at kompetisyon sa bansa.

Iginiit ng senador na prinayoridad ng nakaraang kongreso ang batas na ito upang makagawa ng paborableng business environment, oras na ganap nang magbukas ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa restrictions ng COVID-19 pandemic.

Ngayong nakalatag na nga ang legal framework para sa pagkakaroon ng mas magandang telecommunications, transportation at iba pang pangunahing serbisyo para sa mga mamamayang Pilipino…

Sinabi ng senador, na ang mga susunod at kritikal na hakbang ay dapat nang simulan at isagawa ngI concerned agencies para maisakatuparan ang layunin ng bagong PSA law.

Ibinahagi rin ni Poe, na ang Starlink ng kilalang negosyanteng si Elon Musk ang isa sa mga unang kumpanyang nag-apply matapos ang pagpapasa ng PSA. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us