Nakatakdang magdagdag ang Office of the Vice President (OVP) ng dalawa pang satellite offices na magbibigay ng tulong sa mga Pilipino lalo na para sa medical, burial at iba pang tulong.
Ayon kay Atty. Reynold Munsayac sa isinagawang I-Speak Forum sa Davao City, target na itayo ang nasabing mga opisina sa Isabela at Bicol region.
Sa kasalukuyan, may 7 satellite offices na ng OVP na nasa Bacolod City, Cebu, Davao, Tacloban, Dagupan, Zamboanga at probinsya ng Surigao del Sur.
Dagdag ni Atty. Munsayac na layunin ni Vice President Inday Sara Duterte na maipaabot sa mas maraming kababayan ang tulong mula sa pamahalaan. | ulat ni Shiela Lisondra | RP1 Davao