?????? ????? ??????? ???????, ????????? ?? ???. ??????? ?? ??????????? ?? ???-???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inihayag ni dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang suporta kay Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes chair Robinhood Padilla hinggil sa usapin ng pagsusulong ng amyenda sa Saligang Batas.

Kasunod ito ng pahayag kamakailan ni Padilla na aalis ito sa partidong PDP-LABAN kung hindi makakakuha ng suporta sa isinisulong na Cha-cha.

Bukod pa ito sa posisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi niya prayoridad ang charter change.

Una nang nagkasama si Alvarez at Padilla sa isinagawang public consultation ng Senado para sa Cha-cha.

Sinabi pa nito kay Padilla na handa niyang samahan ang dating kapartido hanggang β€˜impyerno’ para sa itinutulak na constitutional amendment.

Dating PDP-Laban Secretary General si Alvarez bago nagbitiw noong 2020.

Kasama niya si Padilla sa pagsusulong ng pederalismo at iba pang constitutional reforms noong Duterte administration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us