Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang isang dating rebelde sa probinsya ng Iloilo.
Sa isinagawang 1st Quarter Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) Meeting, ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay alyas King, miyembro ng Southern Front-Komiteng Rehiyon Panay ang P65,000 tulong.
Itoβy matapos magdesisyon ang dating rebelde na iwanan ang armadong pakikibaka at bumalik sa sabak ng pamahalaan.
Labis ang pasasalamat ni alyas King sa gobyerno at Philippine Army dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbago at makasama ang kanyang pamilya.
Sa pagsuko ni King sa pamahalaan, hinihikayat ni 301st Infantry Brigade Col. Michael Samson ang mga natitirang rebelde sa isla ng Panay na sumuko dahil nakahanda ang pamahalaan na tulungan at suportahan sila. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo