Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na dadagsa ang pag-export ng prudukto mula sa Pilipinas sa ilalim ng Regional Comprehensive Economic Partnership Program ng pamahalaan.
Ayon kay DA Development Management Officer V Trisha Dela Rosa, malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa at makapaglilikha ng maraming trabaho at mas mapalakas pa ang export industry sa bansa
Dagdag pa ni Dela Rosa na hindi dapat katakutan ng mga magsasaka ang RCEP program dahil kabilang sila sa magbe-benepisyo sa naturang programa. | ulat ni AJ Ignacio