???????????? ?? ?????????? ?? ?????? ?? ????? ??????? ?? ???, ????????????? ?? ?????????? ?? ???????????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) Committee on Foreign Affairs ang pagtalakay sa nominasyon at ad interim appointment ng ilang foreign affairs officials.

Kabilang sa mga isinalang sa CA hearing ngayong araw ang nominasyon nina Bienvenido Tejano bilang Ambassador ng Pilipinas sa Papua New Guinea at kay Manuel Antonio Javier Teehankee bilang kinatawan ng Pilipinas sa World Trade Organization sa Geneva, Switzerland.

Ito na ang ikalawang confirmation heairng para kay Tejano.

Tinalakay rin ng CA sa unang pagkakataon ang ad interim appointments ng nina Rodillo Catalan para sa posisyong career minister at Joyce Camacho bilang Foreign Service Officer Class-1.

Nagkaroon ng executive session ang CA committee at matapos nito ay nagdesisyong i-defer o ipagpaliban muna ang deliberasyon sa nominasyon at ad interim appointment ng mga nabanggit na opisyal. I via Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us