Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng mga paaralan na magsagawa ng unannounced fire at earthquake drills tuwing una at ikatlong linggo ng bawat buwan.
Ito ayon sa kgawaran ay alinsunod na rin sa DepEd Order 053 series of 2022, na naglalayong maihanda ang mga mag-aaral hinggil sa mga tamang paghahanda sa tuwing nagkakasunog gayundin ay kapag may lindol.
Kasunod nito, hinikayat din ng DepEd ang pamunuan ng mga pribadong paaralan, community learning centers gayundin ang mga lokal na kolehiyo at pamantasan, na i-adopt ang mga probisyon ng kautusan.
Katuwang ang DepEd sa pagtataguyod ng tamang edukasyon sa mga mag-aaral, maging sa mga guro at tauhan ng paaralan na maging laging handa sa tuwing sasapit ang mga nabanggit na sakuna
Ngayong araw din, sabay-sabay na nag-duck, cover and hold ang mga estudyante, guro at school personnel bilang pagsuporta sa ikinasang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa pangunguna ng Office of the Civil Defense (OCD). | ulat ni Jaymark Dagala