???, ??-?????????? ?? ??? ???????? ????? ?? ???? ???? ?? ??????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Na-repatriate na ang ikatlong batch ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bansang Turkiye hinggil sa nangyaring malakas na lindol sa naturang bansa.

Ayon kay Undersecretary of Migrant Workers’ Affairs Eduardo De Vega, sa naturang batch ay nasa 27 OFWs ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Turkiye.

Dagdag pa ni De Vega, na patuloy na nakahanda ang DFA at ang embahada sa Turkiye sa iba pang OFWs, sakaling magbago ang isip na umuwi na lamang ng bansa at dito na lang maghanap-buhay.

Makakatangap din ng iba pang assistance ang mga nasabing OFW mula sa DFA, upang makapagsimula muli ng kanilang buhay dito sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us