????, ?????? ?????????????? ??? ??? ?? ?? ??????????????????? ?? ??? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling hinikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na asikasuhin na ang pagpaparehistro ng kanilang SIM card.

Mayroon na lamang kasing 50 araw bago matapos ang SIM Registration period.

Ayon sa DICT, magtatapos na ang SIM Registration sa April 26, alinsunod sa implementing rules and regulations (IRR) ng National Telecommunications Commission (NTC).

Kaugnay nito, muling ipinunto ni DICT Undersecretary at Spokesperson Anna May Yu Lamentillo na ang SIM Registration ay mahalagang bahagi ng pambansang cybersecurity agenda.

As of March 6 ay umabot na sa 41 milyon ang bilang ng mga nakarehistrong SIM na 24.26% na ng kabuuang bilang ng mga SIM sa buong bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us