Iminungkahi ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga driver at operator na ikonisdera rin ang ibang alternatibong mga units para sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Kabilang sa mga iminungkahing units ng DOST ay ang LPG powered jeeps at electric powered jeepney sa bansa na di hamak na mas mura at kayang makasabay sa mga naunang modernized jeep ngayon sa bansa.
Ayon naman kay DOST Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development Executive Director Dr. Enrico Paringit, ang mga naturang units ay eco-friendly at orihinal na gawa sa ating bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio