Muling siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na nakahanda ang kanilang tanggapan sa nakatakdang transport strike sa darating na Lunes.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista na nakipag-ugnayan na sila sa ibaβt ibang sangay ng pamahalaan kabilang ang Philippine National PoliceΒ (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang umasiste sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tigil-pasada sa sususnod na linggo.
Dagdag pa ng kalihim na bukas ang kanilang tanggapan sa pakikipag-dayalogo sa mga transport group upang maipahayag ng personal ang nillaman ng PUV modernization program ng pamahalaan. | ulat ni AJ Ignacio