Nakipagpulong ang Department of Toursim (DOT) sa Huawei technologies, isang Chinese technology company na nakabase sa Pilipinas, para sa paglulunsad ng isang mobile app na maglalayong mag-promote ng tourism industry sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, kaniyang ikinalugod ang paghahayag ng proposal ng naturang kumpanya para sa pagsuporta nito sa digitalization program ng DOT.
Dagdag pa ni Frasco na ang naturang Tourist Lifecycle App na ipinropose ng Huawei technology ay malaki ang maitutulong para sa karagdagang promotions thru mobile app hindi lamang sa Chinese tourist kung hindi maging sa mga turista mula sa ibaโt ibang panig ng mundo. | ulat ni AJ Ignacio