???? ?????, ??????? ?? ?????? ?? ??? ??????? ?? ?????? ?? ????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Davao ng tulong sa mga biktima ng lindol sa probinsya ng Davao de Oro.

Kabilang sa ibinigay ng ahensya sa pamamagitan ng Disaster Response and Management Division (DRMD) ang 20 modular tents sa Nabunturan, 500 Family Food Packs sa Andap, New Bataan, at 500 Family Food Packs sa Provincial Social Welfare and Development Office.

Ayon kay DSWD Davao Regional Director Atty. Vanessa B. Goc-ong, agad na binisita ang mga evacuation centers upang ma-assess at ma-evaluate ang sitwasyon at masiguro ang kapakanan ng Internally Displaced People (IDPs) at mabigyan sila ng pangunahin nilang pangangailangan.

Una nang tumama ang 5.9 magnitude na lindol sa New Bataan noong alas-2:02 ng hapon noong Marso 7, 2023 at 5.6 magnitude naman ng alas-4:47 sa parehong bayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang assessment ng ahensya sa mga biktima ng nasabing pagyanig. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao

?: DSWD Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us