Tumulak patungong Davao de Oro si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para i-monitor ang pagbibigay ng tulong ng ahensya sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa lalawigan.
Ayon kay Secretary Gatchalian, nais nitong personal na alamin ang lagay ng mga residenteng nananatili ngayon sa evacuation centers.
Nauna nang nagpadala ng family food packs at modular tents ang DSWD Field Office Region 11 sa mga residenteng inilikas.
Kaugnay nito, sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of March 8, ay umakyat na sa 2,310 na pamilya ang apektado ng lindol kung saan 2,138 pamilya ang nananatili sa evacuation centers.
Aabot na rin sa higit โฑ6-million ang inisyal na halaga ng humanitarian assistance na nailaan ng ahensya sa mga apektado ng lindol.
Hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng aftershocks ang Davao de Oro kasunod ng serye ng malalakas na pagyanig nitong mga nakaraang araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: DSWD