?????? ?????? ?? ?????????, ?????? ?? ??????? ???? ?? ???? — ????? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makabubuti sa export performance ng Pilipinas ang pagsali nito sa tinaguriang pinakamalaking trading bloc sa buong mundo, ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.

Ito ang sinabi sa Laging Handa ng ekonomistang si Dr. Michael Batu sa gitna ng inilatag nitong mga bentahe at pakinabang na makukuha ng Piipinas sa pakikilahok sa RCEP.

Paliwanag ni Dr. Batu, magkakaroon ng access sa malaking market ang exporting sectors ng bansa dahilan para umangat ang export demand.

At kapag sumipa ang demand sa export, hindi ani Batu malayong tumaas din ang employment sa linya ng exportation.

Bukod dito ay makapagbibigay din ang RCEP ng dagdag kita sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis na babayaran at makatutulong din sa pagbaba ng antas ng kahirapan sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us