Nagsagawa ng Family Planning Caravan ang lokal na pamahalaan ng Las PiΓ±as sa pangunguna ng City Health Office.
Ito ay upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga residente patungkol sa pagpaplano ng pamilya at responsible parenthood.
Ginanap ang aktibidad sa Brgy. Elias Aldana Covered Court kung saan namigay din ng birth control pills, condoms at libreng pagpapalagay ng progestin implant para sa kababaihan.
Patuloy ang Las PiΓ±as local government unit (LGU) sa pagsuporta sa kababaihan kasunod ng selebrasyon ng International Womenβs Month ngayon buwan ng Marso. | ulat ni Janze Macahilas