Inaanyayahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makilahok sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa ngayong hapon.
Magsisimula ang programa ng ala-una ng hapon sa pangunguna ng mga opisyal ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo; at alas-dos ng hapon gagawin ang โCeremonial pressing of the buttonโ na hudyat para gawin ang โduck, cover and hold move.โ
Susundan ito ng isang โfunctional exerciseโ na lalahukan ng ibaโt ibang ahensyang kasapi ng NDRRMC, kung saan itatanghal ang kanilang pagtugon sa isang Magnitude 7.2 na lindol.
Bago ang aktibidad sa hapon, magkakaroon ng โmustering of forcesโ na lalahukan ng ibaโt ibang response agencies ng pamahalaan ngayong alas-8 ng umaga sa General Headquarters Grandstand sa Camp Aguinaldo.
Layon ng aktibidad na ipresenta sa publiko ang mga bagong kagamitan at kapabilidad ng pamahalaan sa pagtulong sa mga mamamayan sa panahon na mangyari ang โThe Big One.โ | ulat ni Leo Sarne