Nagpahayag ng kahandaan ang gobyerno ng Canada na suportahan ang Disaster Risk Reduction Management (DRRM) system ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Canadian Minister of International Development, Harjit Sajjan sa kanyang pagbisita sa Office of Civil Defense (OCD).
Si Minister Sajjan, kasama si Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman at ang Canadian delegation ay malugod na tinanggap ni OCD Deputy Administrator for Operations, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.
Napag-usapan ng mga opisyal ang mga posibleng larangan ng kooperasyon ng Pilipinas at Canada sa pagtugon sa mga sakuna.
Binigyang-diin ni Asec. Alejandro ang kahalagahan ng patuloy na pagpapaunlad ng kakayahang tumugon sa mga sakuna sa pamamagitan ng βinterntional engagementsβ at pagpapalitan ng βbest practices.β | ulat ni Leo Sarne
?: OCD