Aabot sa humigit kumulang 11.7 kilo ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito’y matapos maharang sa isang bodega sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang parcel kung saan laman ang mga ipinagbabawal na droga na nakasilid sa apat na winter jacket.
March 5 pa dumating ang nasabing parcel at ito’y naisailalim sa X-ray noong March 8 nang may magtungo sa bodega para iproseso sana ang isang babae na kukuha nito subalit nawala at bumalik ngayong araw.
Ayon kay PDEA NCR Regional Director Emerson Rosales, nagkakahalaga ng humigit kumulang sa โฑ79-na milyong piso ang naturang iligal na droga batay na rin sa estimated street value nito mula sa Dangerous Drugs Board.
Nabatid na nagmula sa Pakistan ang nabanggit na parcel na nakapangalan sa isang Anie Rose Sarvano na taga-Eastern Samar.
Naaresto naman ang kumuha ng kargamento na isang babae subalit tumanggi muna siyang magbigay ng kaukulang pahayag hinggil sa detalye ng naturang parcel. | ulat ni Jaymark Dagala