Hindi na natuloy ang dapat sana ay pagdalo ng miyembro ng House Committee on Constitutional Amendments sa pagdinig ng Senado sa panukalang Charter Change (Cha-cha).
Ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez, Chair ng komite, nakatanggap siya ng mensahe mula sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes kagabi, na hindi na muna sila pinadadalo sa pagtalakay ng Resolution of Both Houses 6 at House Bill 7352 o Constitutional Convention Act.
Dismayado ang mambabatas na maliban sa biglaang kanselasyon ay wala naman aniyang ibinigay na dahilan kung bakit hindi na ito tuloy.โ
After inviting me last March 14, I received last night a notice of cancellation from the Senate committee on constitutional amendments and revision of codes. I was already prepared go to the Senate today at 10am to present to the senators the basis of our RBH 6 and HB 7352 which were all data-driven, evidence-based and future-proof.โ ani Rodriguez.
Paglilinaw naman ng tanggapan ni Rodriguez, na ililipat na lamang sa ibang petsa ang pagdalo ng mga mambabatas sa pagdinigUna nang sinabi ni Rodriguez, na nais niyang maipaunawa sa mga senador ang layunin ng itinutulak na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution. | ulat ni Kathleen Forbes