Kasabay ng personal na pakikiramay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga naiwang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang biktima ng pamamaril, ay tiniyak ng Presidente na makakamit ng mga ito ang karapatang hustisya.
Nakausap mismo ng Pangulo ang mga kamag-anak ng mga biktima at ayon kay Pangulong Marcos ay sinabi niya sa mga ito na asahan nilang ipagkakaloob ang hinihinging hustisya.
Bukod sa pakikiramay ay inihayag ng Pangulo na nais niya ring malaman kung ano pa ang maaaring itulong sa mga sugatang biktima ng pamamaril.
Sasagutin aniya ang gastos sa pagpapagamot ng mga nasugatang biktima sa insidente ng pamamaril habang nagbigay garantiya din ang Pangulo na bibigyan ng educational scholarship sa mga anak ng nasawing biktima ng karahasan kamakailan sa Negros Oriental.
Kaugnay nito’y nagpasalamat naman ang biyuda ni Governor Degamo na si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo sa naging pagbisita at pagdamay sa kanila ni Pangulong Marcos. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President