Itinuturing ng DENR Calabarzon na banta sa wetland ecosystems sa lalawigan ng Cavite ang ilang imprastruktura.
Batay sa pabatid ng tanggapan, kabilang sa mga imprastrukturang ito ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Noveleta Expressway, at ang mga itinatayong imprastruktura sa Brgy. Binakayan at Brgy. Pulborista, Kawit na nakadagdag sa pagkawala ng mga ibon.
Nakaaapekto rin sa wetland ecosystems ang mga basura mula sa informal settlers at mga karatig na pabrika, at pagkagambala ng mga ibon dahil naman sa motorboat na ginagamit sa mga kalapit na komunidad para sa pangingisda at transportasyon.
Kaugnay nito, ang PENRO Cavite ay patuloy na nagsasagawa at nagtataguyod ng ibaโt ibang inisyatibo at programa upang protektahan ang wetlands.
Ang wetlands ay mahalaga sa mga migratory bird dahil ginagamit nila ito para sa breeding, nesting, at pagpapalaki ng mga inakay.
Samantala, ang mga ibon ang nagsisilbing pollinators o tagapagpakalat ng punla na mahalaga sa reforestation. | ulat ni Mara Pepaรฑo-Grezula | RP1 Lucena