????? ?????????? ?????, ????????? ??? ?????????? ?? ????????? ?????????? ???? ?? ???????????? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor ang mga motorcycle riders sa pagbubukas ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ilan sa mga nakapanayam ng RP1 team ang natuwa sa pagkakaroon ng mas maluwag na motorcycle lane dahil magiging kampante na sila sa pagbyahe sa Commonwealth Avenue.

Ayon kay Kuya Dennis na isang Angkas rider, makatutulong ito para iwas-disgrasya ang mga gaya niyang hanapbuhay ang pagmo-motor.

Suportado rin ito ni Raymond basta hindi na raw sisingit rin ang ibang sasakyan sa naturang lane. Pabor rin ito sa pagpapataw ng multa para sa mga sasakyang bababad sa exclusive motorcycle lane.

Nauna nang ipinunto ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chair Romando Artes na layon ng exclusive motorcycle lane na maprotektahan ang mga nagmomotorisklo na bumabaybay sa Commonwealth Avenue nang mabawasan ang mga aksidente.

Sa datos ng MMDA, ay umabot sa 1,600 ang motorcycle-related accidents ang nangyari sa kahabaan ng Commonwealth Avenue noong nakaraang taon o katumbas ng limang aksidente kada araw.

Simula ngayong araw ang dry run ng motorcycle lane kung saan magiging katuwang ng MMDA ang Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa paggabay sa mga motorista. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us