Inaprubahan ng House Special Committee on Senior Citizens ang panukalang batas upang i-promote ang health and well being ng elderly Filipinos.
Kabilang dito ang immunization, eye care at nutrition programs.
Iko-consolidate ang House Bill 2097 ni House Chair Rodolfo “Ompong” Ordanes at House Bill 4458 ni ParaΓ±aque City Representative Gus Tambunting, na naglalayong bakunahan ang mga senior laban sa sakit na influenza, virus, tetanus, diphtheria, pertussis, pneumococcal disease at iba pa.
Aprubado rin ng House panel ang consolidation ng House Bill 1553 ni Bukidnon Rep. Jose Ma. Zubiri at House Bill 7205 Benguet Rep. Eric Go Yap, para sa National Eye Service Program for Senior Citizens with Functional Visual Impairments.
Lusot din ang HB 7064 ni Rep. Ordanes, ito ay ang Comprehensive and Strengthened Nutrition Program for Senior Citizens, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, as amended. | ulat ni Melany Valdoz Reyes