Isang portion ng Shdadol o Maragusan-New Bataan Road sa Davao De Oro ang gumuho kahapon ng umaga, araw ng Lunes, March 6.
Kahapon, niyanig ang lalawigan ng magnitude 5.3 na lindol na ang epicenter ay nasa bayan ng New Bansalan.
Tumama ito kahapon ng alas-4:43 ng umaga sa lalim na .001 kilometer.
Dahil diyan, ang mga motorista ay inabisuhan na dumaan sa alternatibong ruta sa Magangit Road.
Ayon mismo sa Davao de Oro Provincial Government, ang lindol na tumama kahapon sa Davao de Oro ay aftershock ng lindol noong Pebrero 1, 2023 na may magnitude 6.0 na yumanig sa probinsya.
Kaninang 2:02 pm, muling niyanig ang Davao de Oro ng magnitude 6.2 na lindol na may epicenter sa bayan ng Maragusan at may lalim na 34 kilometro.
Iilang minuto ang lumipas, naramdaman na naman sa Davao City ang mahihinang pagyanig na inaasahang aftershocks ng lindol kaninang 2:02 pm. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao