????? ?????? ?? ?????’? ??????????? ????????? ?? ?????? ?? ????? ?? ???????????, ???????? ?? ??????, ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang indibidwal ang arestado sa Cainta, Rizal matapos mahulihan ng iligal na droga sa isang condominium.

Kinilala ang nahuling suspect na si Antonin Pulido.

Ayon sa Cainta Police, habang nag-iinspeksyon ang mga guwardya sa mga outgoing na mga construction worker at empleyado ng condominium ay naharang nila ang suspek.

Nang ipatanggal ng mga guwardiya ang sumbrero ni Pulido ay natagpuan ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 800 milligrams at nagkakahalaga ng P5,440 at isa pang plastic sachet ng hinihinalang marijuana na may timbang na isang gramo at may market value na P120.

Nakuha rin ang isang cellphone na posibleng ginagamit sa transaksyon ng iligal na droga.

Nasampahan si Pulido ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us