Isang security guard sa Tanauan City, Batangas, arestado dahil sa iligal na droga, baril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahulihan ang isang guwardiya ng iligal na droga at umano’y hindi lisensyadong baril sa ikinasang search warrant operation ng pulisya sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ni Police Colonel Pedro Soliba, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang inarestong suspect na si Jeffrey Mendoza.

Narekober ng mga pulis ang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng โ‚ฑ34,000 at isang cal. 45 na baril.

Nahaharap si Mendoza sa mga kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

?: Batangas PPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us