??? ???? ??????? ?? ?????? ?? ??? ????? ???, ???????????? ?? ??? ?? ?????? ????????? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humihingi na rin ng tulong sa Public Attorneys Office (PAO) ang isa pang ina matapos mamatay ang kanyang anak sa hazing ng Tau Gamma Phi Kalayaan Council, sa Pakil Laguna noong Marso 20, 2022.

Sa kanyang pagtungo sa PAO, sinabi ni Gng. Marycharh Rabutazo, na tatlong opisyal pa ng nasabing fraternity ang nakakalaya na may kinalaman sa pagpatay sa anak niyang si Raymarc Rabutazo.

Bagamat may 12 suspek na ang nakakulong at kasalukuyang nakasampa ang kaso sa Regional Trial Court (RTC) 91 ng Sta. Cruz Laguna dahil sa paglabag sa Anti Hazing Act, hindi pa rin daw matahimik si Gng. Rabutazo dahil nakakalaya pa ang mga utak ng pagpatay sa kanyang anak.

Base sa Medico Legal Report, subdural hemorrhage secondary to blunt head trauma ang ikinamatay ng batang Rabutazo.

March 19, 2022 nang magpaalam ang kanyang nag-iisang anak na si Rey Marc na pupunta ito sa kanyang Lola ngunit may mga testigo ang nagsabing sa hazing rites ng Tau Gamma Phi Kalayaan Council ito tumuloy.

Kinabukasan, marami ng chat at missed calls kay Gng. Rabutazo na isinugod sa ospital ngunit hindi na niya dinatnan na buhay ang anak.

Kabilang sa mga hindi pa nasasampahan ng kaso ay sina Simeon Mercado Jr. bilang Chairperson, Richard Dimaranan Jr. bilang Vice Chairperson, at ang tiyuhin ng biktima na si Vernon Rabutazo na siyang nag-organize ng hazing.

Nawawala na rin daw ang cellphone ng kanyang anak kung saan naroon ang mga mahahalagang impormasyon. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us