???????? ????? ????? ?? ???????? ?? ??? ????? ?? ???????? ???????, ?????????? ???????? ?? ????? ??????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan darating na sa ating bansa ang Japanese team na tutulong sa nararanasang oil spill sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, ang team na tutungo sa ating bansa ay mga eksperto pagdating sa oil removal clean up at tututok sa marine conservation ng naturang karagatan.

kabilang sa mga miyembro nito ay mula sa Japanese Coast Guard, Japan International Cooperating Agency o JICA upang ma-asses ang laki ng napinsala sa marine environment sa Oriental Mindoro.

Dagdag pa ni Kazuhiko, pagdating ng Speecial Team ay agad na didirecho sa lalawigan ng Mindoro para umpisahan na ang oil removal katuwang ang Philippine Coast Guard na kasalukuyang nagsasagawa ng oil depressant application sa ating mga baybayin at karagatan para hindi na kumalat ang naturang oil spill. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

?: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us