??????, ?????? ?? ????????? ?? ?? ???????? ?????????? ????? ???? ?? ?????????? ?? ????????? ?? ????? ?? ??? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na mas magdodoble kayod pa ang Kamara para magpasa ng mga panukalang batas para sa ikagaganda ng ekonomiya ng bansa at ikagiginhawa ng buhay ng mga Pilipino.

Ito ang tugon ni House Speaker Martin Romualdez sa ilang nagsasabing niratsada ng Mababang Kapulungan ang pag-apruba sa panukalang Charter Change.

Martes nang tuluyang aprubahan ng Kamara sa botong 301 na pabor, ang House Bill 7352 na siyang implementing bill ng Resolution of Both Houses 6 na nagpapatawag sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magdaos ng Constitutional Convention para amyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas.

Ayon kay Romualdez, dumaan sa masusi at mabusising deliberasyon ang dalawang panukala.

Dagdag pa nito na hindi naman siguro kasalanan ang mabilis nilang aksyon lalo at interes ng publiko ang nakataya.

β€œYes, the 301 House Members who co-authored the twin resolutions are in a rush to amend these restrictive provisions of the Constitution. Just as we, in the House of Representatives, are in a rush to approve priority measures agreed upon in the LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory) meetings to give flesh to the 8-Point Socio-Economic Agenda of the national government. Kung nagta-trabaho man kami ng mabilis, ito ay dahil interes ng mamamayan ang nakataya. Hindi pulitika, kundi ekonomiya ng bansa. Hindi eleksyon, kundi misyon na iahon ang mga kababayan natin sa kahirapan. Kailan pa naging kasalanan ang mag-trabaho nang mabilis para sa bayan?” saad ni Romualdez.

Paalala ng House Speaker, ang economic Charter Change ang β€˜last piece of puzzle’ upang mabuksan ang bansa at makahikayat ng mas maraming foreign investors.

Pagsisiguro pa ni Romualdez na kahit nagampanan na ng lower House ang papel nito sa proseso ng pag-amyenda ay magiging mabilis din sila sa pag-aksyon sa iba pang panukalang batas, lalo na ang LEDAC priority measures.

Mula sa 31 LEDAC bills, 23 na ang napagtibay ng Kamara.

β€œThough we, in the House of Representatives, already did our part in moving the process of amending the Constitution, we have no time to rest. I have directed the House leadership to go full blast in expediting the approval of other pending measures aimed at creating the environment that will boost economic activities and job creation. Inuulit ko po, wala kaming planong mag-slow down o mag-relax sa trabaho. Sa halip, dodoblehin namin ang sipag sa trabaho. Pangako namin ito sa taumbayan na naghahal sa amin sa Kongreso.” diin ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us