Bumaba ng 42% ang kaso ng rabies sa CALABARZON, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa inilabas nilang datos mula Enero 1 hanggang Marso 4, nasa 7 mga kaso lamang ng rabies ang naitala sa mga edad 5 hanggang 60.
Mas mababa ito kumpara noong Morbidity Week 1 to 9 ng taon 2022 na may 12 na kaso.
Ang mga probinsya ng Batangas, Laguna, at Rizal ay may naitalang tig-2 kaso ng rabies ngayong taon, habang isa naman ang naitala sa Lucena City.
Ang nalalabing bahagi ng Quezon province at Cavite ay walang naitalang kaso.
Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Ariel Valencia, patunay ito na nagiging epektibo ang pagpapatupad ng kanilang Regional Rabies Prevention and Control Program. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.