Itatayo ang kauna-unahang Hall of Justice building sa buong bansa na magiging pinakamoderno at state-of-the-art sa lungsod ng San Pablo, Laguna.
Ayon sa pabatid ng City Information Office, isinagawa kamakailan ang groundbreaking ceremony at turn-over ng Land Title for the Construction ng bagong hall of justice sa Barangay San Gregorio.
Dumalo sa nasabing makasaysayang programa sina Chief Justice Alexander Gesmundo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Associate Justices, San Pablo Mayor Vicente Amante at mga kawani ng ibaโt-ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Chief Justice Gesmundo, inaasahan aniya itong magiging modelo ng iba pang itatayong bagong Hall of Justice sa buong bansa. | ulat ni Tom Alvarez | RP1 Lucena