Arestado ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation Detection Group ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa isang restaurant sa Pasay City.
Itoβy makaraang magsumbong sa PCG ang biktimang si Carlos Rainner C. Sarcia na mayroong nagre-recruit na maging enlisted personnel ng coast guard kapalit ng P50,000.
Kinilala ang naarestong suspek na si Omar Sappayani Sampang, 59 anyos na taga-lungsod ng San Juan.
Ayon sa PCG, hindi totoong miyembro ng PCG ang suspek.
Paalala ng PCG sa publiko na huwag basta-bastang maniwala sa mga nag-aalok ng ganito kapalit ng pera.
Payo ng PCG sa mga indibidwal na gustong maging miyembro ng PCG, magsadya sa ahensya para mag- apply.
Sasampahan ng kasong Usurpation of Authority at Estafa ang suspek. | ulat ni Janze Macahilas