Sa kulungan ang bagsak ng isang indibidwal matapos maaresto ng mga elemento ng Southern Police District Drug Enforcement unit.
Kinilala ang 70 taong gulang na suspek na si Estelito Ramos Raymundo Sr. na naaresto sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-8:00 ng gabi sa Brgy San Pedro, Pateros.
Nakuha ng mga operatiba sa suspek ang humigit-kumulang 1,800 grams na hinihinalang marijuana na may street value na P216,000, boodle money na P1,000 at cellphone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Janze Macahilas