??????? ????? ?? ??? ?? ????? ?? ?????? ?? ??????? ?????? ????????, ??-??????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout order para sa mga nalalabing suspek na sangkot sa hazing incident na ikinasawi ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang hakbang ay para maalerto ang Bureau of Immigration (BI) kung sakaling magtangkang lumabas ng bansa ang mga suspek.

Nasa 18 indibidwal ang itinuturing na persons of interest sa kaso, kung saan pito ang nasa kustodiya na ng PNP, habang isa umano ang nagpakamatay.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Salilig sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite, matapos na ituro ng isa sa mga suspek ang lugar na pinaglibingan.

Base sa imbestigasyon, nasawi si Salilig matapos na sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity, kung saan hinataw umano siya ng paddle ng hindi baba sa 70 beses. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us