??????? ???-??????? ?????? ?? ?????? ?? ?????, ??????? ?? ?????? ?? ???????-????

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo courtesy of BOC-NAIA

Aabot sa mahigit Php40 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau Customs (BOC) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, mula sa isang pasahero sa NAIA, kaninang umaga

Ayon sa BOC-NAIA, ang nasabing pasahero na hindi binanggit ang pagkakilanlan ay dumating mula Hong Kong sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight ET644, at nagmula sa Madagascar, East Africa.

Kung saan ang kanyang bagahe ay naglalaman ng kakaibang imahe sa x-ray machine, at dumaan din ito sa 100 percent physical examination ng Customs examiners.

Nang buksan ang naturang bagahe ay tumambad ang ilegal na droga na isiningit sa pinakailalim ng kanyang bagahe.

Inaresto na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pasaherong may ari ng bagahe na naglalaman ng aabot sa anim na kilong shabu, na isang Malagasy National mula Africa.

Isinailalim pa sa follow up investigation ng PDEA ang nasabing dayuhan bago ito isailalim sa inquest proceeding ngayong araw. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us