??????? ??? ???? ?? ?????? ??????? ?? ??? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng paglilinis ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangangasiwa ng Department of Public Services.

Sinimulan ng DPS Estero Rangers ang paglilinis sa Parola Coastal Area sa may Pasig River, Binondo, Barangay 275 Zone 25.

Kung saan humigit 220 na sako ng basura ang nakolekta sa nasabing lugar na pawang mga styrofoams, bote, plastics, at rubber materials ang karamihan sa nahakot ng mga kawani Maynila.

Kaya naman pinapaalalahanan ni Manila mayor Honey Lacuna Pangan ang mga Manileno na maging responsable sa mga katubigan upang kung dumating man ang bagyo o malakas na ulan ay makaiwas sa pagbaha. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us