?????? ????, ????????? ?? ?????????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng unclogging operations ng mga canal sa Malate at power washing ng kalsada sa Moriones tondo ang Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW).

Nagsimula ang kawani ng DEPW sa pagsipsip ng basura, at burak sa mga kanal.

Naganap ang operasyong ito sa kahabaan ng J. Bocobo St. Cor. P. Ocampo St. at Dian St. Cor P. Ocampo St. sa Malate, Manila.

Layunin ng ahensyang matanggal ang bara ng mga kanal sa lungsod para sa paghahanda sa tag-ulan at maging maayos ang daluyan na papunta sa mga pangunahing drainages.

Ginampanan din ng DEPW – Highway Division I ang operasyon sa patatanggal ng mantsa sa mga kalsada sa kahabaan ng Moriones St. sa Tondo.

Isinasagawa ang operasyong ito upang mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa pagkadulas ang mga sasakyan kapag umuulan. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us