Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga natatanging babaeng opisyal at tauhan ng PNP, bilang bahagi ng pakikiisa ng PNP sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Ang aktibidad ay isinagawa sa Monday Flag raising Ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, kung saan panauhing pandangal si Mandaluyong Vice Mayor Carmelita Abalos.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Vice Mayor Abalos ang pagsulong ng PNP ng gender equality sa kanilang hanay, kasabay ng pagkilala sa mahalagang papel ng mga babae sa “law enforcement” .
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Gen. Azurin, na pinapahalagahan ng PNP ang βgender responsive policingβ sa pagsulong ng “sustainable development goals,” at kinikilala ang kontribusyon ng mga babaeng pulis at tauhan sa mga tagumpay na nakamit ng PNP.
Sa halos 230,000 tauhan ng PNP, mahigit 49,000 o 21.51 porsiyento ang babae; kung saan 2,820 ang opisyal na katumbas naman ng 17.82 porsiyento ng mga opisyal ng PNP.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, malugod na tinanggap ng PNP ang kauna-unahang βall femaleβ recruit class na binubuo ng 150 babaeng recruit. | ulat ni Leo Sarne