Ni-raid ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Bitbit nila ang limang search warrant para sa mambabatas.
Partikular na hinalughog ng awtoridad ang tatlong bahay ni Teves sa Bayawan City at isang resort sa Basay, Negros Oriental.
Nitong Martes, sinampahan ng CIDG si Teves at iba pang indibidwal ng kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng tatlong indibidwal noong 2019.
Maliban dito, iniuugnay din ang pangalan ni Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa noong nakaraang linggo.
Mariing itinanggi ni Teves na sangkot siya sa krimen lalo’t nasa Estado Unidos umano siya nang maganap ang karumal-dumal na pagpatay sa gobernador. | ulat ni Leo Sarne